July 5, 2007 – THURSDAY
- hay salamat at hindi nagkaproblema sa net kahit medyo lumakas ang ulan. eniweiz, pag-uwe ko hindi pa rin kami nagpapansinan ni Ace pero nang bumalik siya galing sa kung saan, nagkapansinan na kami, natatawa kasi talaga ako sa pagmumukha niya eh. nanood kami ni Ace ng V for Vendetha hanggang 5am, ganda pala nung movie na yun.
July 6, 2007 – FRIDAY
- viernes na naman, ayos na ayos he he he! late ako dumating dahil napaka-traffic sa Ortigas SOBRA! sa kahihintay ko sa kalagitnaan ng traffic at sa napakasikip na bus, bumaba na lang ako kahit ala pa ako sa Xavier, naklakad na lang ako dahil wala talagang kapaga-pag-asang umusad pa ang sasakyan. pagdating ko sa office 2:30pm na 30 minutes akong late, nakupo isa na lang malamang na naku! sayang naman diba???